Monday, January 31, 2011

Dying inside.

I am. Shattered. In pain. Sad.

It's actually the first of February. I anticipated that this date will be significant... But I was wrong. It WAS before... :'(

All I can afford to say is I'M SORRY. But yes, everything's not fine yet. I understand. And I don't know until when things will fall into their rightful places. I'm afraid of tomorrow. To fail. To be with my own again. Just like the way I started.

I miss the hugs. Caressing you. The smiles and laughs. Your lazy room. Seeing you from a nearby stair wearing the same scent. The silly talks... Badly missing them. :'(

Yes I'm crying. A lot. Crying myself to sleep. A talk with Mom, telling her how much it hurts. She's a good comforter ever since. I just love and missed her soooooo much now.

Time might heal everything... I'm hoping that everything ends happily. Things will turn into a "happily-ever-after-fairytale-story".

The only thing I can do for now is maybe to cry. Feel the pain. Console myself. For maybe by the time I woke up...I can show you the smile that I was longing for. The time that you are by my side again, telling me how much you missed me, AND THAT YOU STILL LOVE ME.

:'(

Saturday, January 29, 2011

I HATE MY SELF!!!!!

BOBO AKO! WALANG KWENTA! INSENSITIVE! SELFISH!

I FEEL UNLOVED BY ANYBODY. :'(

Friday, January 21, 2011

Geo XTRA Diamond (WT-B30) Series

For a change, I decided to have a post about my review on my newly purchased lenses. And this is going to be my first (and hoping no to be the last) review on lenses 'coz I'm hoping to buy another pair soon. :)

My new pair of lens is the new series of Geo, the XTRA Diamond Brown which is the 15mm in diameter. It is so far, the largest size of fashion contact lenses that I've known and used. I purchased it from a friend from Facebook.com, she is Baharia Seddic (http://www.facebook.com/profile.php?id=100000197394613) and it is my first time to buy a pair from her. :)

Here are some set of pictures for everyone!

When worn on day light

Closer shot

Comparison of 14.8mm from 15mm diameter from Geo

So here are my overall ratings:

Color/Design: 8/10
I'm quite happy with these lenses since the design of it is soooo amazing it really looks like you are wearing diamonds on your eyes! Its just that the color is not that bright on day light. Maybe it depends on the complexion of the user.

Enlargement: 10/10
Since I'am a fan of Dolly eyes, I'm so loving this pair. It may not be that larger from the 14.8mm lenses at first and it doesn't have a large black ring on its sides just like the XCM series still it makes your eyes look bigger.

Comfort: 10/10
Actually, to my excitement by the time i opened the vial of the lenses I automatically used them without soaking it on a new solution for 2 hours that's why I felt a bit dizzy and I can see rings of light later. But after soaking them, it feels like wearing nothing. :)

Vendor: 10/10
Yes! Baharia is sooooo accommodating! Unlike my other supplier (Japanesecandy.net) Im looking forward to our next transactions! :)
Even though the lenses are a bit delayed, it doesnt matter

Sunday, January 16, 2011

January 17, 2011. 12:53 am...


Sabi nila sa isang relasyon may mga problema talaga na dapat pagdaanan. Tama nga sila. Napagdadaanan nyo angbawat problema. Selos. Nasasakal. Commitment. Effort. Acceptance. Appreciation.

Alam nyo yung pakiramdam na nasasaktan ka pero pinapabayaan mo kasi nga mahal mo. Maaaring hinayaan mong magkaron ng 3rd party ang syota mo kasi mas masaya sya dun. Pinabayaan mo nalang na ikahiya ka kasi mahal mo. Binigay mo ang lahat ng mga bagay na alam mong ikaliligaya nya pero wala ni knting pasasalamat. Sinabi na ng mga kaibigan mo at mismo ng tadhana na hindi kayo pwede. MASAKIT ANO? Yung tipong literal na masakit sa puso, tagos hanggang buto.

Pag mahal mo nga nama nang tao HINDING HINDI KA MAPAPAGOD...gagawin mo ang lahat.

Gusto ko lang ipaalam ang isang storyang nagawa ko galing sa aking imahinasyon...

Ang lahat ng storya ng pag-ibig ay nagsisimula sa masaya at matamis na mga tagpo. Una mo syang minahal dahil sa mga ginagawa nya...

Kalunan, nag-aaway. Nagseselosan. Kumbaga it's a way of getting to know each other. Na ayaw mo ng ganito, ayaw nya nga ganyan. Until such time na magkakatugma na rin lahat kayo. Magkakasundo kayo na eto ang mga limitasyon ko. Kasi pag lumampas ka dyan, masasaktan na ako.

Pero makailang beses na rin itong nabigo. Minsan ikaw, minsan sya. Natural nga lang daw sabi nila. Pati ang pakiramdam ng masaktan eh natural na rin. Pilit mong gustuhing gawing normal kagaya ng pagiging masaya pero hindi pwede. Hindi mo kaya. Yung tipong kagaya ng tawa ang iyak? Pero ang hirap.

Ang tanging magagawa mo nalang eh ang magtiis. Mahal mo kasi eh. Kaya, kaya mong tiisin lahat. LAHAT LAHAT. Ilang araw mo nang pinapalampas, tinatanggap ang mga sorry at ginagantihan ang bawat halik nya. KASI AYAW MO MAWALA S'YA. TAKOT KANG MAWALA S'YA. TAKOT KANG MAG-ISANG MULI.

Sa bawat pag patak ng luha mo sa pagtulog at pag gising, sa bawat pigil ng galit mo habang nilalambing ka, sa bawat sigaw na pinipigil mo...gaya ng nga sobra... napupuno... kailangang bawasan... kailangang mamulat.

Masakit aminin sa kanya na nahihirapan ka na. Ayaw mo ng problema. Ayaw mong magkagalit kayo kasi baka kung san mapunta. Sayang ang lahat... Ang mga "I LOVE YOU", "Good Morning!" sa pag gising, "Good Night." sa pagtulog. Pero ngayon ang tanging baon mo araw-araw ay ang sakit. Sakit na dulot na nag-aaway mong PUSO AT ISIPAN. Pusong gusto pang mag mahal pero pagod nang masaktan at isipang napapagod nang mag-isip ng mga bagay na dapat maramdaman...

Gusto mong balikan ang nakaraan pero tanging luha at sakit ang nararamdaman. Mga bagay na ikinasaya mo pero tuluyan nang bumaon ng kalungkutan. Alam mong bawat araw mong mararamdaman hindi lang ang kalungkutan. Ang pangungulila, pagkadismaya, mga panahong nasayang at mga bagay na dapat pang mangyari. Dahil nga sabi nyo diba? "I LOVE YOU FOREVER!"

Saturday, January 8, 2011

"Haai ewan ko ba..."


Bagong taon na. Sana bagong buhay naman.

Ewan ko ba. Ang hirap. Nakakainis. Nakakabwisit. O baka nakakaawa?

Siguro nga may state na ganito pag talagang tao ka nga. Nakakapagisip-isip ka ng mga bagay bagay hanggang sa makakarealize ka ng mga kung anu-ano... Kasi si ganito, ganyan. Palaging ganito, bat hndi nalang ganyan. Sana ganito at sana ganyan. Haaii.

Para akong tanga ano? Kahit nga sarili ko hindi ko kayang intindihin. Hindi ko kayang i-control. Sana robot nalang ako at tatanggapin ko ng buong buo kung sino man ang gustong mag operate saken. Kasi parang mahirap pag sarili ang kalaban mo... talagang mahirap.

Baka nga nag seself pity lang ako o baka naman nagiging insecure lang. Sana nga ganun lang...sana. Ginagawa ko tong pagsusulat kapag wala na talaga akong makausap. Tulog na mga kaibigan ko, si Mama malayo, nagtatrabaho kaya hindi pwedeng kausapin anytime, si Papa tulog na rin, pati si Ate. Haaii.
"Kaya Lenard ikaw nalang talaga mag-isa. Kausapin mo nalang muna sarili mo kasi bukas pag gising mo malamang wala na yan.". Sana nga tama ako, na bukas wala na to.

Gusto ko lang ishare mga sentimyento ko sa buhay.Marami kang gustong gawin pero hindi mo kaya at hindi pwede. Mga tanong ko. Mga bagay na gustong sabihin. Mga bagay na naiisip ko na sa tingin ko naman eh nakakatuwa. Gusto ko lang tumawa, mahiga sa kawalan. Mag-isip ng masasaya. Yun t'yak ako hindi nakakapagod yun! Pero nakakafrustrate nga lang. Iniisip mo ang mga bagay na hindi mo naman kailanman makukuha, Hindi kailanman mangyayari. S'ya nga pala pasensya sa mga naaabala, napadaan lang talaga siguro ako, pasensya na at nandamay pa ako.

Hay naku. Mahirap. Basta mahirap. Marami pang problema actually pero minsan naiisip ko na preno muna, at saka ko na maiisip ang mga bagay-bagay sa mundo na masyado nang nakakaapekto sa buhay ko. May mga tong gusto mong pagsabihan, may mga bagay na gusto mong subukan, may mga panahong gusto mong balikan. At higit sa lahat may mga oras na gusto mong takasan. Lalim ano? Ganun talaga siguro pag nagkakaron ka ng oras na mag-isip. At dun mo na malalaman na mahirap nga na maging MALUNGKOT. Ayaw mo mang damhin pero bilang tao kailangan.