Bagong taon na. Sana bagong buhay naman.
Siguro nga may state na ganito pag talagang tao ka nga. Nakakapagisip-isip ka ng mga bagay bagay hanggang sa makakarealize ka ng mga kung anu-ano... Kasi si ganito, ganyan. Palaging ganito, bat hndi nalang ganyan. Sana ganito at sana ganyan. Haaii.
Para akong tanga ano? Kahit nga sarili ko hindi ko kayang intindihin. Hindi ko kayang i-control. Sana robot nalang ako at tatanggapin ko ng buong buo kung sino man ang gustong mag operate saken. Kasi parang mahirap pag sarili ang kalaban mo... talagang mahirap.
Baka nga nag seself pity lang ako o baka naman nagiging insecure lang. Sana nga ganun lang...sana. Ginagawa ko tong pagsusulat kapag wala na talaga akong makausap. Tulog na mga kaibigan ko, si Mama malayo, nagtatrabaho kaya hindi pwedeng kausapin anytime, si Papa tulog na rin, pati si Ate. Haaii.
"Kaya Lenard ikaw nalang talaga mag-isa. Kausapin mo nalang muna sarili mo kasi bukas pag gising mo malamang wala na yan.". Sana nga tama ako, na bukas wala na to.
Gusto ko lang ishare mga sentimyento ko sa buhay.Marami kang gustong gawin pero hindi mo kaya at hindi pwede. Mga tanong ko. Mga bagay na gustong sabihin. Mga bagay na naiisip ko na sa tingin ko naman eh nakakatuwa. Gusto ko lang tumawa, mahiga sa kawalan. Mag-isip ng masasaya. Yun t'yak ako hindi nakakapagod yun! Pero nakakafrustrate nga lang. Iniisip mo ang mga bagay na hindi mo naman kailanman makukuha, Hindi kailanman mangyayari. S'ya nga pala pasensya sa mga naaabala, napadaan lang talaga siguro ako, pasensya na at nandamay pa ako.
Hay naku. Mahirap. Basta mahirap. Marami pang problema actually pero minsan naiisip ko na preno muna, at saka ko na maiisip ang mga bagay-bagay sa mundo na masyado nang nakakaapekto sa buhay ko. May mga tong gusto mong pagsabihan, may mga bagay na gusto mong subukan, may mga panahong gusto mong balikan. At higit sa lahat may mga oras na gusto mong takasan. Lalim ano? Ganun talaga siguro pag nagkakaron ka ng oras na mag-isip. At dun mo na malalaman na mahirap nga na maging MALUNGKOT. Ayaw mo mang damhin pero bilang tao kailangan.
No comments:
Post a Comment