Matagal-tagal na rin akong hindi nakapag sulat ng blog ano? Naisipan ko lang bisitahin ang blog kong to kasi may gusto lang akong basahin ulit pero it turned out na nawili ako sa kakabasa ng mga previous blogs (to be specific, mga EMO blogs ko.) and I can't believe that I was that honest before.
Andame ko na palang pinagdaanan ano? From last year's break ups up to the recent. Eh yun lang naman ata talaga ang topics ng blogs ko everytime diba? Hehehe. Funny. Kung hindi heartbreak eh mga boring naman na mga bagay.
Actually, I have nothing to blog now aside from my emotions. Kung ano ako kalungkot, kung papaano ako nakakahanap ng kasiyahan.
Wala namang masyadong bago sa mga nangyari talaga saken basing from last year's. Kasi ngayon ang mababasa nyo nanaman dito eh yung story ng heartbreaks ko. At wala kayong choice kundi basahin to. I'll tell you after reading this you'll realize something kasi ako, marami.
Simulan na natin sa yung namimis mo yung taong yun. Masakit diba? Miss mo, hindi mo naman masabi. Kung sasabihin mo naman either wala kang marereceive na reply o magrereply nga pero for sure hindi "I miss you too.", which will hurt you lang. Ang masaklap pa dito eh nasa iisang lugar lang kayo, nakikita mo sya from afar, hindi mo man sadyain eh talagang panahon na ang naghahanap ng paraan. Umaabot pa nga sa time na talagang iisang daan lang ang nilalakad nyo. Na magkaharapan na kayo pero parang wala ka lang kasabay sa pag lakad. Ni Ha ni Ho, wala. At isa yun sa pinaka masakit. Ang sabi nga ng Mamu Orman ko, "Nangyayari yan para masanay ka lang." which is tama nga naman. Sa taong emotionally struggling ang interpretation nun eh nang-iinis ang tadhana. IN TIME MASASANAY LANG TAYO.
Sunod, gagawa ka parin ng paraan para lang makita sya. Kagaya ng sa One More Chance na movie. Aminin nyo, napaiyak kayo ni Basha at ni Popoi diba? Kasi ako, kulang nalang i-tattoo saken ang mga dialogue nila. Ako kasi, nagawa ko nang i-close ang Nanay at Tatay, mga Kapatid, Best friend ng kapatid, Syota ng mga kapatid, best friends nya from high school to college, Pinsan nya, mga kapitbahay at kahit kasambahay nila. Hindi sa para makita at malaman ko ang mga galaw nya para mapagtanungan ko sila, gusto ko lang i treasure yung relationship namin kasi hindi rin naman kasi basta-basta ang lahat. Isa sa pinaka lesson na natutunan ko eh, "The things that you don't know will only hurt you." and "Never set conditions, because by the time they were not reached all you can do is to get hurt.". Kasi naman hinding hindi mo maiiwasan na makarinig from those people na ganito, na ganyan, na "alam mo ba...", na "hala..." at marami pang iba na iisa lang ang nagiging resulta, "ISANG BALDENG HURT". Dahil sa rason na gusto mo syang makita, nagiging desperado ka na. Nung huli nga, pumunta ako sa bahay nila kasi inimbita ako ng kapatid nya sa birthday. SO ayun pag dating ko sa bahay nila, ilangan, di nagsasalita PERO nakatingin palagi sa kanya. Pero anong magagawa ko? Eh sa wala talaga eh. AS IN WALANG WALA.
Ito ang pinaka masakit sa lahat at hanggang ngayon wala pa akong nahahanap na sagot, mapa Google man, Yahoo o kung saang diskyonaryo pa man. Dati, sya yung nagsasabi na "Wag mo akong iwan kahit anong mangyari." Sabay iyak pa yan ha. Kasi nga takot na takot syang iwan mo sya. Pero umaabot talaga sa time na sya rin ang magsasabing "Let me go! Please! Wala na tayo!". And this time, iiyak sya hindi dahil sa takot, DAHIL NA SA INIS. Inis na gusto na nyang mawala ka. Gusto na nyang iwan ka. See, the irony of life "Two TOTALLY different sentiments coming from one person." Kung sino yung nagsabi na wag syang iwan eh sya rin ang magsasabing lumayo ka na at hayaan na syang mag-isa. Tinanong ko na to sa mga kaibigan ko at tanging si Myfie lang ang nakasagot ng "medyo" nakontento naman ako. "Things change myf. Even HEARTS." At dun tayo walang magagawa pag ang puso na ang nagiba. Kung pwede lang magpainstall ng virus na makakapagchange sa setting ng puso ng isang tao eh nagawa ko na siguro. Pero ganun talaga.
At alam nyo ba kung ano mga pinaka masakit na nasabi saken ng taong mahal or should I say PINAKAmamahal ko? Una, kasi nung huli eh talagang hinabol ko ulit sya sa high way kasi naglakad sya palayo. Nagawa ko na dati yun eh, pero nung gabing yun iba na ang reaction nya. Wala na syang pakialam kahit mula Apari hanggang Jolo pa ang lakarin ko. It turned out that my desperation resulted to something na ikasasama lang ng loob ko. Nag away lang kami, the friendship was over (I guess) and sinabi nya saken "Tandaan mo ang ginawa mo kagabi Len. KINASUSUKLAMAN KITA!!!!!!" Masakit talaga, na kung sino pa yung taong nagmamahal sa kanya ng sobra eh sya pa tong kinsauklaman nya. Haaii. Pero ganun talaga, wala tayong magagawa. Siguro tama na i-hate nya ako para na rin matulungan ko ang sarili ko maka move on. Pangalawa, hindi ko magets na ako pa ang nagmukhang may kasalanan kasi saken pa sya galit. Kasi ang mga kaibigan ko ang sama ng tingin sa kanya, pag nagkakasalubong sila irap at mga angas lang nila ang nakikita at nariring nya. EH HINDI KO KONTROLADO ANG MGA ISIPAN NILA. Kung alam nya lang na kung gaano ko sya pinagtatanggol kahit ako ang naargabyado nya. Alam ng lahat yun na wala akong intensyong siraan sya. Bakit ko gagawin yun? Eh alam ko naman na wala akong mapapala. Haaai buhay. Naging totoo lang naman ako all through out ah?
Ang buhay talagang unfair and the only way life is being fair is to be unfair to everyone.
Sa ngayon ang estado ng buhay ko eh sakto lang. Marami man akong nalalaman at nakikita o naririnig tungkol sa kanya (na ikinasasakit ng loob ko) eh sabi nga nila "Hindi pa natatapos dyan. Marami pang mangyayari. Ang gagawin mo nalang eh maging matatag para hindi ka matalo." Kaya kahit 50% malungot at 50% masaya ako ngayon eh hinahayaan ko nalang. Mahirap pero ano pa bang magagawa ko. Ang gusto ko lang sabihin ngayon eh MAHAL KO ANG MGA TAONG MAHAL AKO. MARAMING SALAMAT SA EFFORT NA MAPATAWA AKO, SA APPRECIATION. Maraming salamat kasi hindi kayo nang-iwan. Wag kayong mag alala pag ako na ang kailangan nyo, walang hiya na talaga ako pag ako pa ang hindi tumulong sa inyo. At sa nagbibigay ng kasiyahan sa akin ngayon eh SALAMAT. Ngiti nalang palagi. :)
K.K <3
No comments:
Post a Comment