Saturday, May 8, 2010

The rise of the "j3j3m0nz! l0lZ!!!"

Nababagabag na ako sa "war of the worlds" na nangyayari over the net. Kulang nalang eh magpatayan, akala mo naman may pisikalang nangyari. Pati ang mga celebrities ay naapektohan na rin! Baka ito pa ang dahilan ng pagbagsak ng career nila. Dyos ko! Ang pinag-ugatan lang pala ng alitang ito ay ang mga so called "jejemons".

Jejemons, hindi ko man alam kung sino ang nagpasimuno nito, kung saan sila nanggaling, paano sila pupuksain ikinagulat ko nalang na meron nang mga groups sa facebook na kung pwede lang eh lumabas ang mga admins ng groups na to sa monitor ng isang jejemon at laslasin ang mga leeg nila.

GOTTA KILL 'EM ALL JEJEMON! :)))
JEJEMON HATERS!

Isa na rin sila sa mga top searched links sa internet! But I'm not saying na ayoko sa mga jejemons, hindi ko rin sinabing gusto ko sila. (mga 70%:30% lang. =D) Medyo nakakairita lang, kasi madali naman sanang mag type, eh bat kelangan pang pahirapan ang mga sarili nila? Eh kung dun naman sila masya eh wala tayong magagawa. "You can't please everyone." ata ang kanilang motto in life. Idagdag pa natin ang "Take it or leave it." at "Mind your own business." hahaha!

Kung tutuusin eh wala naman silang ginagawa, pinapasaya lang nila ang mga sarili nila. Eh sa gusto nilang gawing kumplikado ang mga buhay nila. Pero aminin na natin, NAKAKAINIS. MASAKIT SA MATA. NAKAKA-TOOOOOT.

Nakakatawa lang eh meron ring "determinants" ang mga jejemon sa kanilang mga pangangatawan!hahaha! May jejecap, jejeball. jejedex at jejebag! (Yung mga bagay na may rainbow lines. Oo, yun. Meron ka? hahaha!) Nakikita ko yun binibenta pag may celebration dito samen sa Oval Plaza and meron sa may KCC! Dun sa may embroidery malapit sa entrance.hahaha!

Ang ipinagpapasalamat ko lang eh buti nalang wala akong kaibigang jejemon. Sus! I can't imagine kung pag gising ko sa umaga ang bungad sayo, "3oWh P0wH!!! 60ohd m0rnH!n6!!".Nakakasira ng bait diba???? Parang ayaw mo nang magising!hahaha

Meron akong magandang suggestion sa inyo, my friend Dave gave me this link kung saan matratranslate nito ang "normal" words into nakakalokang "jejemon" words. to give you a sample, eto:

o, normal na normal yan ha.

ang nakakasira ng ulong translation!hahaha


Sa mga gustong i-try eto ang nakakatuwang site. Enjoy! =D

2 comments:

  1. hehehehe i am immensely enjoying your blog... i like your writing style... keep them coming, lenard!

    ReplyDelete
  2. hahaha! sure thing sir! thanks!

    ReplyDelete