Thursday, May 13, 2010

Inside my Prada (for less) bag.


When we are on our way back to school after our "daily routine" I decided to stay at school for a change. I stayed at the Awok for my reading rituals but it seems like inaantok ako. So, I went to the canteen and had my snacks. After eating I decided to continue reading (The Last Song by Nicholas Sparks) on my newly discovered place in school.

I lay down on a bench and feel the gust of the wind. Again inaantok nanaman ako so I started to take photos of my self of course (which is very rare sa maniwala kayo at sa hindi). After that naisip ko kung ano ang susunod ko na blog.

Maybe some of you are wondering kung bat ako may dalang bag palagi kahit walang pasok. Now, you'll get the chance to know why and what's inside my bag.

My favorite bag is my Black Leather Prada Bag (Oo na, hindi sya original! Nabili ko to sa Marbel for Php150. ;D) Favorite ko ang bag na to kasi maraming pockets and mukhang mahal.hahaha! So let's get things going and see what's inside.
Hindi ko nilinis ang bag ko (kasi hindi ko naman talaga nililinis ang bag ko) para makita nyo ang totoong itsura nya pag kasama ko sya.hahaha)

First stop, the right pocket.



1. Powder- Dahil sa init ng panahon, lahat ng tao kailangan ng pampapresko even the simplest form. =)
2. Lens Multipurpose Solution- Kahit hindi ko ginagamit lenses ko daladala ko to in case of emergency. hehehe
3. Cellphone Battery- Ito ang isa sa mga patunay na hindi ako naglilinis ng bag. Hindi yan ang battery ng fone ko, yan yung sa isang fone na iniiwan ko sa bahay for almost 2 weeks na.hahaha
4. Rosary- Oha! Anong laban ng mga engkanto jan?!hahaha
5. Coins- Parang nanlimos lang ako sa labas ng McDo ano?hahaha
6. Eraser- Sa maniwala kayo at sa hindi, ang eraser na yan ay 3 years old na! Oo, yan ang ginagamit ko since first year college.hahaha
7. Tickets- Kanina kasi, galing lang kami ng Rob at ayun nagliwaliw sa mga laro at isa yan sa mga "designs" ng bag ko. Sayang naman kung itatapon lang.hehehe

Next, the left pocket.



1. Rosary Guide- Hindi man nagrereflect sa mukha ko, religious ako noh! hahaha
2. Calculator /Alarm Clock/ Calendar/ "pang-uto na Black Berry phone yan"- Hahaha! I got this one from Teves. Pasalubong nya saken from Hong Kong. (O, sa mga mag.aabroad, binigyan ko na kayo ng clue para sa mga pasalubong nyo! XD)
3. Bus Ticket- Senyales nanaman ito na kelanman ay hindi ako naglilinis ng bag.
4. Concert Ticket- Dyos ko! Nanghihinayang ako sa ticket na to. Libre pa naman sana. Hindi ko napanood si K! haaaiii.
5. Instruction Guide ng calculator- (pampagulo lang to. Wag pansinin)
6. Braided ID Sling- Dahil sa wala akong magawa, ang dati kong ID Sling ay pinagtuonan ko ng pansin.
7. USB ko- USB. Yun.hahaha
8. Hiniram na USB- Hiniram na USB. Ok na?hehehe
9. Basura- Bow!

Ang susunod ay ang mismong loob ng aking bag.



1. Pocket Tissue- Dahil may colds ako kailangan ko ng sangkatutak ng tissue kung ayaw nyong mandiri sa akin! XD
2. Hair Wax- Hindi ko na ginagamit to actually. In case lang pag oa na ang buhok ko, pag against my will na sya.hahaha!
3. Umbrella- O diba? Handang handa! Mapainit o mapaulan pa man maglalakad talaga ako!
4. Scientific Calculator- Dahil isa akong Accounting Student (char!). Pwes!
5 & 6. Contact Lens and Lens Cases- Mga undelivered orders. (Nananawagan ako kay Sir Jun Bagaan. Sir! Naa na imong order! Now na!)
7. Lens Kit- O diba? Doraemon pa ang design! Ginagamit ko to in case of emergency lang. =D
8. Extra Tshirt- Dahil sa nag expect ako na mag bobowling kami ngayong araw na ito eh nag ready ako ng bonggang bongga! Pero hindi natuloy, but at least nag Rock Band kami at nagamit ko rin sya.hehehe


1. Tuesdays with Morrie- Isa sa pinakamamahal kong libro na himiram ko sa aking dear cousin. Later mag popost ako ng reviews nito para sa mga interesado. n_n
2. Notebook- Kulay talong pa ang aking kwaderno.hahaha AT! Nirecycle ko yan from the last semester!hahaha (Kasi wala akong naisulat last sem.hahaha)
3. Notebook ulit, mas malaki lang- Ewan ko ba bat ko pa daladala yan eh last sem ko pa na notebook yan.hehehe
4. Midterm Exam- Aba! Syempre naman pinost ko talaga yan kasi tingnan nyo naman ang score! 78/80!hahahaha

Ang huling sulok ng aking bag, ang back pocket. (At ang pinaka marumi! nyahahaha)



1. Lalagyan ng card reader- Na nabili ko kahapon. This one is considered to be one of the basuras. =)
2. Scotch Tape- Na parang nakuha ko sa nabahaang pamilya.hahaha! Gutay-gutay na pero nagagamit pa naman.
3. Wallet- Mukhang walang laman ano? Pero wala talaga!ahaha
4. Headset- Na halos masira na sa kakasaksak sa kung saan-saan.hahaha
5. Handouts- Balang araw mapupunta rin to sa basurahan.
6. Cutter- Panaksak sa....sabong ginawa namin material sa carving.hahaha
7. Pencil- Nahindi natahalan simula nang unang ginamit ko for the first time. n_n

O, there you go. Nalaman nyo na ano ang rason bat may bag ako palagi.
At dahil sa pagod na akong mag isip sa kung ano pa ang susunod kong ipopost eh tatapusin ko na to.
Gudnayt! z_z

1 comment: