Friday, January 21, 2011

Geo XTRA Diamond (WT-B30) Series

For a change, I decided to have a post about my review on my newly purchased lenses. And this is going to be my first (and hoping no to be the last) review on lenses 'coz I'm hoping to buy another pair soon. :)

My new pair of lens is the new series of Geo, the XTRA Diamond Brown which is the 15mm in diameter. It is so far, the largest size of fashion contact lenses that I've known and used. I purchased it from a friend from Facebook.com, she is Baharia Seddic (http://www.facebook.com/profile.php?id=100000197394613) and it is my first time to buy a pair from her. :)

Here are some set of pictures for everyone!

When worn on day light

Closer shot

Comparison of 14.8mm from 15mm diameter from Geo

So here are my overall ratings:

Color/Design: 8/10
I'm quite happy with these lenses since the design of it is soooo amazing it really looks like you are wearing diamonds on your eyes! Its just that the color is not that bright on day light. Maybe it depends on the complexion of the user.

Enlargement: 10/10
Since I'am a fan of Dolly eyes, I'm so loving this pair. It may not be that larger from the 14.8mm lenses at first and it doesn't have a large black ring on its sides just like the XCM series still it makes your eyes look bigger.

Comfort: 10/10
Actually, to my excitement by the time i opened the vial of the lenses I automatically used them without soaking it on a new solution for 2 hours that's why I felt a bit dizzy and I can see rings of light later. But after soaking them, it feels like wearing nothing. :)

Vendor: 10/10
Yes! Baharia is sooooo accommodating! Unlike my other supplier (Japanesecandy.net) Im looking forward to our next transactions! :)
Even though the lenses are a bit delayed, it doesnt matter

Sunday, January 16, 2011

January 17, 2011. 12:53 am...


Sabi nila sa isang relasyon may mga problema talaga na dapat pagdaanan. Tama nga sila. Napagdadaanan nyo angbawat problema. Selos. Nasasakal. Commitment. Effort. Acceptance. Appreciation.

Alam nyo yung pakiramdam na nasasaktan ka pero pinapabayaan mo kasi nga mahal mo. Maaaring hinayaan mong magkaron ng 3rd party ang syota mo kasi mas masaya sya dun. Pinabayaan mo nalang na ikahiya ka kasi mahal mo. Binigay mo ang lahat ng mga bagay na alam mong ikaliligaya nya pero wala ni knting pasasalamat. Sinabi na ng mga kaibigan mo at mismo ng tadhana na hindi kayo pwede. MASAKIT ANO? Yung tipong literal na masakit sa puso, tagos hanggang buto.

Pag mahal mo nga nama nang tao HINDING HINDI KA MAPAPAGOD...gagawin mo ang lahat.

Gusto ko lang ipaalam ang isang storyang nagawa ko galing sa aking imahinasyon...

Ang lahat ng storya ng pag-ibig ay nagsisimula sa masaya at matamis na mga tagpo. Una mo syang minahal dahil sa mga ginagawa nya...

Kalunan, nag-aaway. Nagseselosan. Kumbaga it's a way of getting to know each other. Na ayaw mo ng ganito, ayaw nya nga ganyan. Until such time na magkakatugma na rin lahat kayo. Magkakasundo kayo na eto ang mga limitasyon ko. Kasi pag lumampas ka dyan, masasaktan na ako.

Pero makailang beses na rin itong nabigo. Minsan ikaw, minsan sya. Natural nga lang daw sabi nila. Pati ang pakiramdam ng masaktan eh natural na rin. Pilit mong gustuhing gawing normal kagaya ng pagiging masaya pero hindi pwede. Hindi mo kaya. Yung tipong kagaya ng tawa ang iyak? Pero ang hirap.

Ang tanging magagawa mo nalang eh ang magtiis. Mahal mo kasi eh. Kaya, kaya mong tiisin lahat. LAHAT LAHAT. Ilang araw mo nang pinapalampas, tinatanggap ang mga sorry at ginagantihan ang bawat halik nya. KASI AYAW MO MAWALA S'YA. TAKOT KANG MAWALA S'YA. TAKOT KANG MAG-ISANG MULI.

Sa bawat pag patak ng luha mo sa pagtulog at pag gising, sa bawat pigil ng galit mo habang nilalambing ka, sa bawat sigaw na pinipigil mo...gaya ng nga sobra... napupuno... kailangang bawasan... kailangang mamulat.

Masakit aminin sa kanya na nahihirapan ka na. Ayaw mo ng problema. Ayaw mong magkagalit kayo kasi baka kung san mapunta. Sayang ang lahat... Ang mga "I LOVE YOU", "Good Morning!" sa pag gising, "Good Night." sa pagtulog. Pero ngayon ang tanging baon mo araw-araw ay ang sakit. Sakit na dulot na nag-aaway mong PUSO AT ISIPAN. Pusong gusto pang mag mahal pero pagod nang masaktan at isipang napapagod nang mag-isip ng mga bagay na dapat maramdaman...

Gusto mong balikan ang nakaraan pero tanging luha at sakit ang nararamdaman. Mga bagay na ikinasaya mo pero tuluyan nang bumaon ng kalungkutan. Alam mong bawat araw mong mararamdaman hindi lang ang kalungkutan. Ang pangungulila, pagkadismaya, mga panahong nasayang at mga bagay na dapat pang mangyari. Dahil nga sabi nyo diba? "I LOVE YOU FOREVER!"

Saturday, January 8, 2011

"Haai ewan ko ba..."


Bagong taon na. Sana bagong buhay naman.

Ewan ko ba. Ang hirap. Nakakainis. Nakakabwisit. O baka nakakaawa?

Siguro nga may state na ganito pag talagang tao ka nga. Nakakapagisip-isip ka ng mga bagay bagay hanggang sa makakarealize ka ng mga kung anu-ano... Kasi si ganito, ganyan. Palaging ganito, bat hndi nalang ganyan. Sana ganito at sana ganyan. Haaii.

Para akong tanga ano? Kahit nga sarili ko hindi ko kayang intindihin. Hindi ko kayang i-control. Sana robot nalang ako at tatanggapin ko ng buong buo kung sino man ang gustong mag operate saken. Kasi parang mahirap pag sarili ang kalaban mo... talagang mahirap.

Baka nga nag seself pity lang ako o baka naman nagiging insecure lang. Sana nga ganun lang...sana. Ginagawa ko tong pagsusulat kapag wala na talaga akong makausap. Tulog na mga kaibigan ko, si Mama malayo, nagtatrabaho kaya hindi pwedeng kausapin anytime, si Papa tulog na rin, pati si Ate. Haaii.
"Kaya Lenard ikaw nalang talaga mag-isa. Kausapin mo nalang muna sarili mo kasi bukas pag gising mo malamang wala na yan.". Sana nga tama ako, na bukas wala na to.

Gusto ko lang ishare mga sentimyento ko sa buhay.Marami kang gustong gawin pero hindi mo kaya at hindi pwede. Mga tanong ko. Mga bagay na gustong sabihin. Mga bagay na naiisip ko na sa tingin ko naman eh nakakatuwa. Gusto ko lang tumawa, mahiga sa kawalan. Mag-isip ng masasaya. Yun t'yak ako hindi nakakapagod yun! Pero nakakafrustrate nga lang. Iniisip mo ang mga bagay na hindi mo naman kailanman makukuha, Hindi kailanman mangyayari. S'ya nga pala pasensya sa mga naaabala, napadaan lang talaga siguro ako, pasensya na at nandamay pa ako.

Hay naku. Mahirap. Basta mahirap. Marami pang problema actually pero minsan naiisip ko na preno muna, at saka ko na maiisip ang mga bagay-bagay sa mundo na masyado nang nakakaapekto sa buhay ko. May mga tong gusto mong pagsabihan, may mga bagay na gusto mong subukan, may mga panahong gusto mong balikan. At higit sa lahat may mga oras na gusto mong takasan. Lalim ano? Ganun talaga siguro pag nagkakaron ka ng oras na mag-isip. At dun mo na malalaman na mahirap nga na maging MALUNGKOT. Ayaw mo mang damhin pero bilang tao kailangan.

Thursday, July 29, 2010

Pasensya ka na ha? :|

Dear IKAW,

Oh hi! As usual, I'll be starting this one with asking kung kamusta ka na. I hope you're doin' fine. Uhm, bored pa ka parin ba jan sa bahay nyo? Tatay mo, kamusta na?

Alam ko maiinis ka nanaman kasi nagpaparamdam nanaman ako sayo, pasensya na ulit. Pero alam mo yun, its been a while na na di rin kita nakita at nakausap. Ano na kaya itsura mo ngaun? I'm pretty sure payat ka na kasi the last time na nakita kita was ang laki ng pinagbago mo. hehehe. Ui, malapit ka na magiging busy, hindi ka na mababagot jan.

Gusto ko lang malaman mo na I'm looking for you all the time. I know maiinis ka pero sige lang, at least alam mo na hinahanap kita. I'm not looking forward to turn back the time and to be with you again like we had before, wala lang, gusto ko lang na feel na anjan ka just like you told me before things went different.

Minsan nga tinatanong ko kung naiisip mo rin ba ako kung ano na nangyayari sa akin. Kung ok lang rin ba ako? Kung tulog na ba ako? Kung kamusta na buhay ko? At kung ano mga nararamdaman ko ngayon. Kasi magiging masaya ako kahit sa pinakasimpleng text na matatanggap ko galing sayo. Pero alam ko naman na hindi mo gusto yun.

Just in case matanong mo ako someday kung kamusta na ako, eto ako, i don't know if I'm ok. Oo, medyo OA pero I don't know. I tried to let things happen pero parang habang tumatagal parang mas narealize ko na its hard to be like this. Palagi ko naiisip yung dati na tayo. Hindi ko naman talaga ineexpect kasi na magiging ganun tayo. Super saya. Super. Remember? Yung mga masasayang araw natin? Yung ok na ako kapag nakikita kita kahit di ka na magsalita, basta anjan ka lang. Hina-hug lang kita ng mahigpit kasi ayaw ko mawala ka. Pero ang nagagawa ko nalang ngayon is to reminisce the past at piliting mapa-smile sarili ko kasi alam ko at least nasa isip ko pa ang lahat ng memories natin. Minsan nga gustong gusto na kitang itext pero inisip ko baka mainis ka at hindi ka magrereply kasi the last time na nagtetext-text tayo eh okay tayo, ayoko na baka mag shift yung mood mo from us, being okay to irritated ka saken. Kaya I learned to keep them inside. At least alam ko na miss na miss na kita.

And ginawa ko tong letter na to kasi alam ko naman na hindi ko pwedeng sabihin sayo to kahit sa text lang man. Kaya kung mabasa mo man to o hindi, pwede mo tong bisitahin at balikan kung kelan mo gusto kasi palagi lang tong andito gaya ng feelings ko sayo. Gusto kong maging friends parin tayo, at alam ko naman that we are, hindi nga lang gaya ng iba. Pero ganun talaga. Basta andito lang ako pag takot ka, pag gusto mo ng kausap, pag may problema ka. Isang text lang naman ako anjan na agad.

Mag ingat ka lagi ha? Yan lagi kong bilin sayo, kung masaya ka na sabihin mo saken. Kasunduan natin yun diba? And sana makita na kita ulit kasi super lungkot ko ngayon. Masakit na sa dibdib. Sana kahit tingin nalang ako hanggang. Sige, pasensya ka na talaga ha?

-AKO

Thursday, July 22, 2010

Isang daang katangian ng gusto kong maging syota...

Eto na ang mga katangian ng taong gusto kong maging syota. And, from this magkakaron kayo ng kaalaman (kahit papano) sa aking mga weirdong ugali. :D

1. Una, natural dapat mahal ko at MAS MAHAL AKO.
2. Dapat mahal nya rin si Ate (at kayang i tolerate ang ugali nya. :D), si Papa at si Mama, mga kaibigan ko specially si My Friend.
3. Masaya sya (genuinely) pag kasama ko sya at masaya rin ako pag kasama ko xa.
4. Kaya nyang umiyak sa harap ko. Kasi pag mahal mo, hindi ka mahihiya kahit anong mangyari.
5. Alam nya ang totoong estado namin sa buhay.
6. Alam nya ang FULL NAME ko.
7. If possible, sana left handed.hehehe
8. Medyo chubby. Pero pag slender, hmmm. ok naman.hehehe
9. BALBON!hahaha (but not really a must)
10. Memorize ang number ko. Para in case of emergency.
11. May kilala akong SUPER DUPER UBER LOYAL FRIEND NYA. Yung pag tinanong ko, hindi magsisinungaling. And of course, her family dapat kilala ko at kilala ako.
12. Mas gusto ang HUG over KISS. Kasi ganun ako. =)
13. SWEET. Syempre.
14. Kayang intindihin ang kababawan at kalaliman ko sa pag-iisip. Dapat, marunong rin syang mag-isip.
15. May laman ang sinasabi at marunong umintindi even on my lamest points.
16. Good on arguments. Hindi away para saken ang argument, its just a way of explaining. LQ is different from EXPLAINING. Kasi madali lang naman akong kausap.
17. Tanggap ako kahit AYOKO NG PALAKA.
18. Wala syang pakialam kahit AYOKO NG VINEGAR.
19. Matutuwa sakin kasi COLOR BLIND AKO.
20. Marunong mag drive ng 4 wheels o motor.hahaha
21. MARUNONG KUMANTA di bale nang di marunong sumayaw.
22. Kaya nyang i share ang kanyang funniest imperfections nya saken without hesitation.
23. Madaling maniwala. Kasi hindi naman ako manloloko (for real)
24. Pink ang lips. :*
25. Has great humor. If possible ung ala stand-up commedian.hehehe
26. Kapag sinabi kong masakit likod ko, we'll stop walking or whatever and rest. Ayoko ng nga iinarte.hahaha
27. Kapag gusto ko mag basa, tahimik lang. OR! Magbabasa rin sya ng magandang book.
28. Naniniwala sa "5 people in heaven".
29. Likes Mitch Albom SOOOOO MUUUCHHH! 'Coz I do. :D
30. Tanggap ang pagiging PRANING ko. Konting bagay lang talagang nappraning ako.
31. Gusto ko yung medyo nagseselos rin.hehehe
32. Yung taong gustong manahimik sa bed of grass or yung gustong nakatanga lang minsan sa langit.
33. HINDI KAILAN MAN MAIINTIMIDATE SAKEN!!! Please! hindi ako artista, hindi ako mayaman at hindi ako suplado.
34. Somebody who likes GREEN, YELLOW, VIOLET and ORANGE!!!
35. Dapat pag nag-away kami, maghahanap sya ng paraan MINSAN para magbati kami. Alam nyo naman ang man's pride diba?
36. PRANGKA.
37. Alam nyang minsan may mood swings ako at ayoko muna magsalita.hehehe
38. AND! As requested by my friend (Mae). Dapat daw magustohan nya muna.hahaha
39. MARUNONG NG KAHIT BASIC ENGLISH LANG. Para naman hindi sya mukhang tanga pag nagkainglesan na at lahat.hahaha (At hindi ko naman kini-claim na magaling ako dun.)
40. Kaya nyang punasan ang sipon ko. Kayang amuyin ang utot ko at kaya akong halikan kahit bagong gising.hahaha AT! Kahit na bagong gising lang ako, mahal parin ako kahit mukha akong ewan pag bagong gising. :D
41. YA! It would be a super plus if you taller than me! hahaha! (Walang pakialamanan ng tipo!)
42. Hindi umaasa na ako lagi ang gagastos.KAHIT SA PAMASAHE NALANG NENG.
43. MAY NGITING PANG TOOTHPASTE AD.:D
44. MABANGO.
45. Gusto rin ng PUG!!!weee!
46. Kahit sandamukal ang rice kong inoorder, mahal nya parin ako. At favorite ang Chowking.
47. Somebody who loves kids!
48. Sabay kaming magpapatattoo pag pwede na.hehehe
49. Kahit BASKIL (basa ang kili-kili) ako, wala syang paki. Eh di rin naman mabaho kili-kili ko. SWEAR!
50. Trip ang trip kong mga kanta.
51. Marunong mag draw.somehow
52. Into fashion. somehow.
53. MALINIS ANG RECORD NYA. MEANING WALANG NILOKO FROM THE PAST!
54. Pang long-term na tipo. At hindi madaling maka move on.hahaha
55. Must be a Roman Catholic and has a great faith with GOD. Oha!
56. Ok na kahit hindi kami nagsasalita. Basta nakatitig sya sakin at naka titig ako sa kanya, OK na lahat. :)
57. She loves animated movies! And we'll watch together!
58. Sabi ni Mae, dapat daw PISCES or LIBRA para comtabile sa akin (GEMINI). Opo Madam Auring.
59. Domestic sya. Marunong sa bahay.
60. Yung pagbabawalan akong mag smoke. Hindi yung sasabayan pa ako.hahaha
61. HONEST. Kung hindi na nya ako mahal, sabihin na sana ng harapan.
62. Hindi yung pa tweetumz at pahiya-hiya epek pa! Dapat game!hahaha
63. Hindi sya magugulat pagpasok nya sa bahay at nakita ang malaki kong picture na naka-split!hahaha Dapat maaamaze sya.hahaha
64. Mahal rin nya ang McDo. Specially CHICKEN FILLET, FRIES (with ketchup) AND COKE FLOAT!!!! yum!
65. HAHAHA! DAPAT DAW MAGANDAHAN SYA KAY MAE.hahaha!
66. Medyo sporty rin. May times na gusto kong mag badminton, mag swimming pero wag naman mag taekwondo.hahaha
67. Someone who love and appreciates arts.
68. Dapat may ringtone na naririnig ang phone nya! Hindi yung pag tinawagan mo hindi ka nasagot kasi hindi narinig ang ring tone.
69. Malinis.
70. (Whew! 30 more) She likes ABS-CBN more than (the hell and gaya-gaya) GMA.
71. Dapat alam ko ang password at email nya sa facebook at any other social accounts.
72. May nakakatawang mannerism. hahaha!
73. Pandagdag lang. Dapat nagegets nya ung mga mannerisms ko and ung mga imperfections ko. Like, ung nagsusulat ako unconsciously using my fingers kahit saan and may mga nakikita akong circles sa kawalan.hahaha
74. Naaapreciate nya ang mga maliliit na bagay na ginagawa ko. Like pagtext ng "good morning" at " mwah!"
75. Sana marunong ng kahit piano or violin man lang.hehehe
76. NAGAGANDAHAN SYA SA BOSES KO!hahaha.
77. Pag may sakit ako, may dala syang food or fruits.hehehe (gaya ngaun. i need fruits! *coughs)
78. Someone who offers hanky pag pawis na ako. sweet. :)
79. Likes and understands Bob Ong.
80. Mahal si Vice Ganda, Toni Gonzaga at K Brosas!hahaha
81. Hindi madaling malasing pag may gimik.
82. Maganda ang toes and ears.hahaha
83. Palaging may baon na "WORDS OF WISDOM" for all instances.hehehe
84. MARUNONG MAG UKAY-UKAY!hahaha
85. Smart subscriber sya. At kung ibang networks gamit nya eh pageefortan akong itext kahit regular load gamit nya.
86. Pag nagmamaneho ayoko ng paspasan! Chill lang.
87. Tanggap nyang malapad ang noo ko at minsan pango ako tingnan.hahaha
88. Seriously, you have to make ways para malaman ang BUONG family problem namin.
89. I want someone who's older than me. May not be in age but mentally older.
90. Pag nasa bahay sya, marunong syang makijam kay papa at sa mga KAPITBAHAY.hahaha
91. O xa, sabi ni Mae yung vigrin daw.hahaha
92. Laging may baon na small notebook and ballpen (g-tech .03-.04) para kung may naisip sya o ako na ayaw makalimutan eh pwedeng masulat agad.
93. Yung ready nang mamatay. And alam ko ang mga gusto nyang mangyari pag malapit na syang mamatay and namatay na sya. At ganun rin ako.
94. Active sa Facebook para malaman nya bawat post ko at malaman ko mga posts nya.

The last 5 will be serious. :D

95. Someone who says "LATER" not "GOODBYE".
96. Someone who learns from life's biggest failures.
97. Thinks that some of the smallest things has one of the biggest effects in life.
98. "Naiintindihan ang past experiences ko and maghahanap sya ng way na hindi na ulit mangyari yun. Kasi alam nyang pagod na pagod na ako sa mga ganung pangyayari."
99. Someone who's not SAYING their promises but instead DOING them. Ginagawa niya ang lahat para maniwala ako sa nakikita ko at naririnig ko.
100. At higit sa lahat, someone who will stick with me at my best and worst.

O, baka ikaw na ang gusto kong maging syota ha? :D

Wednesday, July 21, 2010

Random thought of the day

"Minsan naiisip ko na at least napapasaya ko ang ibang tao. Pero naisip ko rin na parang ako ang nag aabsorb ng mga kalungkutan na dapat sa kanila mapunta, bilang kapalit ng pagpapasaya ko sa iba. Kaya eto ako ulit, MALUNGKOT."

IM SUCH A SADDIST.

Sa ngayon, binuhay ko ang blog ko after how many months. Kasi wala na akong ibang outlet.
:c :c :c :c

Kung bakit pa kasi may ganitong pakiramdam na ang dami-dami namang pwede maramdaman sa mundo.

PWEDE BANG MAGRESTART NALANG MUNA NG PAKIRAMDAM PARA WALA NA AKONG PROBLEMA?



Presently, eto ang soundtrack ng buhay ko (at nararamdaman ko, for real).



"Minsan di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kayang balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala

(Chorus)
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

Ala ala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala

(Chorus)
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Bridge:
Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na...

(Chorus)
At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sayo."


__________________________________________


ANSAKET!!! :'C
"Feeling ko ako ang composer ng song sa sobrang tagos at dama at hindi ko mailagan ang sakit ng tama!"